Wednesday 8 August 2012

GINATAANG RIMAS-arap!



Ginataang Rimas


Tingin pa lang, masarap na! Maniniwala ka bang gawa lang eto sa apat na common na sangkap lang?
Gata ng niyog, “masamit dameg”, asin at bunga ng rimas gawa ang masarap na pagkaing eto. Papainitin muna sa isangkaserola ang gata ng niyog at isunod ilagay ang ini-slice na bunga ng rimas. Palambutin ng bahagya at tsaka ilagay ang maliit na slice ng masamit dameg (yun ung inilalagay sa ibabaw ng biko) para magkaroon ng tamis na lasa. Lagyan ng konting asin para may balance. Konting minute lang ay luto na ang ginataang rimas at pwede ng i-serve.

Martes, kasagsagan ng walang humpay na buhos ng ulan. Walang pasok ang lahat. Masarap kumain ng kumain habang nakikinig ng balita. Naisipan ni lola na magluto nito. Sarap na sarap kami dahil malinamnam na, nakakabusog pa. Matagal ding hindi ako nakatikim ng gating rimas kaya ubos. Minsan gumagawa si lola ng ganito at inilalako sa barangay.
May unique sa pagkaing ito. Parang may lasang langka at bunga ng kamoteng kahoy. Meron itong aroma na sinamahan pa ng gata ng niyog at tamis ng masamit dameg, kaya perfect blend.

Ang rimas ay typical at common na makikita sa aming probinsya, ang Pangasinan. Pwedeng pwede itong tumubo kahit saan. Ang bunga nito ay hawig sa kamansi at langka ngunit walang spikes o tusok. Ganyan ka-unique ang rimas. Inilalako din ang mga bunga nito sa mga palengke. Pwede din itong isama sa gulay at pwedeng ulamin.

Isa lamang ito sa pagkaing Pangasinan na simple lang ngunit ubod ng sarap. Madaling lutuin, masustansya at nakakabusog pa. Try niyo na!

No comments:

Post a Comment